}

Monday, August 24, 2009

You gotta go there to come back

Just had a haircut yesterday, better than my past few haircuts. As in super medyo na lang, ma-a-achieve na sana yung perfect haircut na gusto ko, na matagal ko nang pinapangarap. Oh well. Okay na rin naman nga, and besides, masaya ako kasi favorite ko talaga ang shampoo portion ng haircut. Haha kasi minamassage talaga yung ulo mo eh, super relaxing. Ang inexpensive pa ng haircut sa salon na yun, Paul Mitchell School. Future professionals kasi yung nabibigay ng services. Cool rin kasi para sa experience nila talaga. Malas mo lang kung hinde magaling yung matapat sa'yo. Ayon sa ibang reviews na nabasa ko, hinde sila satisfied sa outcome ng mga buhok nila. Pero ako ayos lang naman so buti na lang.


Hmmm... sabi nila ang haircut parang nag-e-entail ng pagbabagong-buhay. Ang weird lang na a day after ako nagpagupit, biglang may nagparamdam mula sa nakaraan ko. Haha. Funny. Fate?

[Paula, kung binabasa mo eto, nagtext si "Plumber."]

Friday, July 03, 2009

Near wild heaven

This is such a happy post. =) =) =)

Nag-try kami today ng ate ko sumakay ng bus, kasi para kapag papasok ako sa pinagvovolunteer-an ko, mag-bus na lang ako instead na sumabay sa asawa ng pinsan ko pumasok, super aga kasi tapos maghihintay pa ako ng ilang oras.

I am now volunteering sa New Americans Museum sa Liberty Station sa Point Loma. Nakakaisang araw pa lang ako pero okay naman. Last week pa ako nag-start. Hinde ako nakapasok this week, kasi... PMS. haha basta lang.

First day was okay naman, bukod na lang nga sa super paghihintay ko, kasi yung class ng pinsan ko starts at 8AM, so dapat mahatid niya ako by 7:20 ganun. Pero yung museum nag-oopen mga 10 AM pa, so naggala na lang muna ako sa store, at tumambay sa Starbucks at medyo nagbasa.

Sa araw na iyon rin natupad ang isa sa mga pangarap ko...

Photocopy.

Pangarap ko talaga mag-photocopy. Gusto ko maging xerox girl, unhealthy nga lang raw. Pero natutuwa lang talaga ako sa pagphophotocopy. At natuwa naman nga talaga ako nung na-experience ko na talaga. Yun lang ang ginawa ko buong araw, bukod sa pagtambay.


So balik na ulit sa present. Okay naman biyahe, matagal lang nga talaga kasi malayo. Well not really. Kapag drive medyo kaya siya ng 10 to 15 minutes. Kung bus, aabot ng mahigit 1 hour. Grabe lang, pero hinde naman actually ma-traffic, tuluy-tuloy naman ang biyahe. Kaya lang, syempre nag-sstop madalas ang bus para magsakay at magbaba ng mga pasahero.

Merong malapit na Barnes and Noble dun sa pinuntahan namin, so dinaanan namin bago umuwi. Natupad na naman isa sa mga pangarap ko.

Pride and Prejudice. Super daming beses ko na napanuod yung movie starring Keira Knightley, as in kasama yun talaga sa favorite movies list ko. Sobrang gusto ko na mabasa yun as in ten years ever na, pero hinde ako makabili-bili. Gusto ko kasi hardbound. Eh ayaw ako pabilhin dati kasi wala pa naman talaga ako pera, well ngayon wala pa rin. Pero oh well haha nakabili na rin finally. Ang saya lang, kasi yung una kong nakita na hardbound ang mahal talaga, pero maganda. Kasi mahal nga so wag na yun. Yung paperback na lang sana. Tapos pag may pera na ako balak ko bibili na lang ako ng hardbound.

Then napunta ate ko sa bargain books section. Tapos lumapit ako pinakita niya sa 'kin. Tada! May Jane Austen books dun. Tapos mas mura - define bargain talaga! And hardbound pa! So go na talaga.

Eh di tuwang tuwa na ako diba, tapos may mas nakapagpatuwa pa sa 'kin...

Rewind to a few days ako, nanuod kami ng movie na Becoming Jane starring Anne Hathaway and James McAvoy (i don't really like her but i super like him, and syempre I love Jane Austen!) Okay naman yung movie, twice ko napanuod then ni-research ko kung tunay ba yung story. Apparently medyo adaptation din siya from a book na ang title ay Becoming Jane Austen. So syempre gusto ko na rin mabasa yun.

Fast forward to today... Kasama pa rin sa bargain book section, napatingin ko sa isang cart. Then, tada! Becoming Jane Austen! Nagulat talaga ako, kasi naiinis ako dahil hinde ko maisip before nun kung sino yung author so di ko lam kung paano ko kaya yun hahanapin. Kaya grabe lang talaga nahanap ko siya.


So yun na yun.


At isa pang happy thing, nag-free trial kami ng Netflix, subscription siya ng movies ipapapadala sa'yo DVD's though mail, or internet or TV. Two weeks yung free trial pero balak naman namin ituloy kasi parang mura naman ang for more movies. =)


So all in all this has been a happy week. Yaaay! =)

Monday, June 15, 2009

Unopened letters to the world

Andami kong gusto gawin dati nung mas bata ako, gusto ko sumayaw, umarte, kumanta, tumugtog, maging cashier, etc. Basta, mga gawain na nakikiharap sa tao. Tapos parang dati ang friendly ko, samantalang ngayon ang suplada na. Hinde na ako people-person. Tapos parang nastastage fright na rin ako kapag magpeperform or something. Grabe lang.



Pero hanggang ngayon gusto ko pa rin talaga maging artist. Sa tingin ko kasi napaka-glamorous ng artists. Tapos parang napaka-free-ing. As in kahit anong klaseng artist sana eh, kaso hinde ako marunong mag-draw, at hinde rin naman ako nag-aact. So parang hanggang musika na lang talaga. Oh well hinde rin naman ako kumakanta, pero as in kahit nung super bata ako gusto ko na talaga kumanta. At mataba rin nga pala ako nung bata, maputi pa.

Oh well bilang takot nga ako, gusto ko na lang yung mga behind-the-scenes na trabaho, na kahit hinde performer, pero yung mga mag-aarrange na lang ng mga something. Gusto ko maging sound engineer, or roadie, or promoter. Basta yung crew sa mga artists ganun. Parang ang saya lang kasi.



Tapos gusto ko rin maging event coordinator, event planner ganun. Favorite ko weddings, parang ang saya i-plano. Tapos parang ang fulfilling after nung kasal, na kahit ang haggard na mag-plano eh nawawala na lang kapag masaksasihan mo na yung event.

Gusto ko rin nga pala maging photographer. Haaay basta marami talaga nga, yung mga tipong ganung trabaho. Yun ang mga gusto ko dati. Eh ngayon ang mga hinahanap ko na eh yung mga tipong nakatago lang sa office forever, dahil ayoko na nga ng mga nakikiharap sa tao.

Oh well basta, isa pa rin etong "gusto" post, pero at least mas malalim, hinde na ka-materialistic-an.