sooo... May 30th, 2009 marked my 100th day here.
...And yes I'm stil here. Alive. And breathing
...and happy.
I guess.
Hmm so let's see kung ano ba ang mga nalaman ko sa isang daang araw na tinagal ko dito.
Una, you can't teach an old dog new tricks. True, lumang kasabihan na siya diba. At grabe sobrang nag-aapply siya sa 'kin. Minsan nga lang nakakalimutan ko na.
Pangalawa, friendly lang talaga ang mga tao, wag maging feelingera. Kapag sinabihan ka ng "How you doin?" or "How are you" or kahit simpleng "Hi!" or ngiti lang, wag kang OA. Normal lang yun, mahilig sa small talk ang people so hinde ibigsabihin na porke kinausap ka ay kikidnapin ka na or gusto ka.
Pangatlo, a car is not a luxury, it's a necessity. Hinde tulad sa Pilipinas na kung may isang kotse ka man lang ay medyo may kaya ka na, dito kapag dalawa or tatlo pa ang kotse mo ay normal pa rin yun. Mahalaga talaga siya. Kaya totoo yung sa tv and movies diba na kahit bata pa lang parang binibigyan na talaga ng kotse at tinuturuan talaga mag-drive sa mga school. Kasi nga kailangan talaga siya. Although may bus, medyo inconvenient din kasi hinde siya tulad ng jeep na forever meron. Tapos maghihintay ka talaga. Okay kasi may schedule, pero kapag naiwan ka or naunahan mo, malas mo.
Pang-apat, clean after yourself. Sa mga fastfood or food court, ikaw ang nagliligpit ng mga napagkainan mo. Hinde porke may crew ay sila ang magtatapon ng mga nakainan mo. So bago ka umalis ililigpit mo talaga yun.
Pang-lima, grabe kaya siguro anlalaki ng mga tao dito ay sedentary kasi masyado mga lifestyle nila. Puro siguro sila TV. kasi paano ba naman andameeeng channels!!! Basta grabe lang talaga.
Hmm so may bagong song sa featured. Finally! Kasi isa si Citizen Cope sa mga bago kong fave artists. Along with Kate Voegele, Lenka, Blue Judy and kung sino pa man. At tuwang tuwa ako nung nakita ko yung song, kasi parang alam mo yung mga moment na may makikita or maririnig ka na kanta, tapos masasabi mo na lang na parang super song mo yun!? Kahit hinde song ng buhay mo. Pero pwedeng song lang ng araw mo. Yun yung kantang iyon para sa 'kin. So pakinggan mo ah! Pero favorite ko pa rin yung Son's Gonna Rise by the same artist kaya hanapin mo rin yun at pakinggan! =)
Oh well yun na muna. Pag sinipag ulit ako, maybe i'll share my job hunting stories...
Wednesday, June 03, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
at least we're able to know about ur whereabouts and etc......and funny ung paragraf about their friendliness.haha
ReplyDeletePAU