}

Tuesday, May 12, 2009

Might have been

Hmm ang sabi ko dati sa next blog ko ikukuwento ko ata ang storya ng pagpili ko sa kanta ni Miley Cyrus na fineature ko. Pero tinatamad na ako eh, so oh well. At blog ko eto so halerrr.

Grabe yung monster sa tiyan ko ngumangawa na. As in seriously, ang ingay niya talaga. Ingay na gutom ah, hinde yung ibang ingay haha.

Pumunta kaming San Diego nung weekend, nag-bus lang, at ako naman si walang social life, natuwa sa katabi kong guy. porenger teh! Haha caucasian. Friendly kasi. Bilang siya yung nasa window seat tinanong pa niya ko kung okay lang naka-open yung curtain, tapos nag-offer pa siya ng gum. Nangchika pa siya ng something tungkol sa RedBull blah blah, na later on nalaman ko may parang plane show something, nakalimutan ko yung tawag, basta sa mga airplane. Haha feeling ko pa para akong tuod nung una, inisip ko tuloy iniisip niya hinde ako nakakaintindi ng english haha, oh well. Mahiyain kasi kaya ako. Well buti hinde ako topak moment nun kaya nice naman ako. Nag-bye pa nga ako eh, tapos pareho lang pala kami ng stop. Haha nakakatawa kasi naka-iPod din siya, pinipilit ko pa marinig yung tugtog na pinapakinggan niya, hinde ko ma-figure out. Pero basta parang dance-y yung music niya. Nung una pa pala tulog lang kasi siya, pero parang nasusulyapan ko may itsura, and true enough, meron naman nga. =P haha at medyo winiwish ko pa na sana makasabay din namin pauwi. =P

Anyway, next week babalik ulit kami San Diego, mga less than a week kami magsstay dun, para igala ng pinsan. Iniisip ko na talaga mas gusto ko mag-stay dun, kasi parang mas city-ish. Tuwang tuwa pa ako nung nakakita ako ng Hard Rock Cafe at House of Blues. Sabi ko kasi talaga before ako pumunta dito na parang perk ng pag-stay ko dito ay yung makanuod ng bands. Well sa ngayon hinde ko pa nafufulfill yun, so sana lang kung dun man ako mgstay eh matupad na.

No comments:

Post a Comment