So bilang weekend ngayon, puno na naman ng movies ang telebisyon. Nakakainis din minsan dahil sabay sabay yung mga pelikulang magaganda and lahat sila gusto kong panoorin. Pero syempre hinde pwede kaya kailangan pumili.
Anyway, nabasa ko kasi na sinabi ko pala na maglalaman din eto ng tungkol sa mga movies. So eto ata ang first blog ko na yun ang ikukuwento ko.
Sabado ngayon at tulad ng sabi ko, maraming movies. Kaninang umaga paggising ko binuksan ko agad ang TV. Sumalubong sa 'kin ang The Lake House. Hinde ko siya pinanuod nang buo, kasi may iba pa akong pinapanuod nun pero hinde ko na maalala. Pero gusto ko talaga yung pelikulang yun. Tandang-tanda ko pa na pinanuod ko yun sa sine kasama ang ate at ina ko. Madrama siya. At define love story. Oo na, kahit minsan hinde ako aminado mahilig nga ako sa romantic movies. Gusto ko nga rin ang The Notebook eh, at favorite ko ang Pride and Prejudice.
Balik sa The Lake House. Tandang-tanda ko rin na 2006 siya ipinalabas. First year college na ako nun, first semester pa lang ata kung hinde ako nagkakamali, pero pwede ring second sem na pala. Pero basta natatandaan kong first year yun, kasi nung panahong napanuod ko yun, ay panahon nung almost lover na kinuwento ko dun sa nakaraang blog ko (Choosing my own way of life). Oo na, siya na naman. Pero ngayon wala na kaming komunikasyon. Kasi parang nag-rest ako for a while sa world wide web. Matagal-tagal rin akong hinde tumatambay, na tipong kahit wala naman ako ginagawa, gusto ko lang naka-online, may hinihintay minsan. Pero nitong mga nakaraang linggo hinde na talaga kasi nakakatamaran ko na. Napapagod na akong magpaka-bum.
Hinde ko na maalala kung paano na-bring up yung topic na yun less than 3 years ago. Basta magkausap kami sa telepono at napunta kami sa The Lake House. Sabi niya napanuod na rin niya, tapos maganda nga raw. Pero mas maganda raw yung pinag-base-han nun, which is ung Il Mare Haaay naku at hinde ko rin malilimutan na sinabi niya nun na bibigyan niya ako ng copy nun para mapanuod ko. Ibibigay raw niya pag nagkita kami. Na hinde na nangyari ever.
Sabi ni Kate sa The Lake House favorite niya yung book na Persuasion ni Jane Austen. Gustung-gusto ko rin yung libro na yun. Sabi niya tungkol raw yun sa paghihintay. Oo nga naman siguro. Kaya happy ending yung novel kasi yung lovers naghintay sa isa't isa. Parang yung sa The Lake House.
Pero paano mo naman malalaman kung hanggang kailan ka maghihintay? Hanggang saan yung dapat mong abutan para masabi mo na tama na, susuko ka na, or kung hinde man, ay kung itutuloy pa?
So siguro na lang hinde mo malalaman. Kahit pa sinabi mo sa sarili mo na "tama na", maaaring pwede pa palang naghintay ka at magbunga na yung paghihintay mo. Pero hinde mo nga malalaman diba kasi sumuko ka na. At kung tinuloy mo man, maaaring mabulok ka na kahihintay lamang sa wala.
Kaya ngayon, sa tuwing mapapanuod ko ang The Lake House, pati na rin ang The Notebook, pero saka na ang kuwentong yun, maaalala ko siya. Siguro nga naghihintay pa rin ako hanggang ngayonn even after all these years. Pero oh well, ganun naman talaga minsan diba. Gumagawa ka ng mga bagay na hinde mo alam kung anung kadahilanan. Minsan talaga, basta lang.
Sunday, May 03, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment