}

Wednesday, April 29, 2009

Somewhere a clock is ticking


Grabe lang, super bilis ng araw. Lalo na wala naman ako ginagawa so medyo dapat ata mabagal ang oras diba!? oh well. So isang araw na lang at May na, at isang buwan na lang ay June na. At sa ngayon wala pa rin akong direksyon.

Option 1: Babalik ako for first sem, or kung second sem man, tapos tatapusin ko course ko at magtatrabaho. Hinde na ako aalis ever.

Option 2: Magsstay ako at magtatrabaho, magpapayaman since yun na lang ata ang mahalaga sa mundo, tapos mag-aaral para may matapos.


Hinde talaga ako mabuting estudyante. Hinde ko gusto ang pag-aaral. Mula pa nung 3rd year high school ako gustung-gusto ko na mag-stop. Para kasi sa 'kin hinde talaga yun lang ang magbibigay sa'yo ng maganda future. Oo, agree naman ako na makakatulong yun at mas malaki ang chance for a brighter future pero para nga sa 'kin hinde siya ganun kahalaga. Pero since bata pa ako wala naman ako laban diba kahit ayaw ko, so grumaduate ako ng high school. Then college na, buti na lang talaga nakapasok ako sa gusto kong pag-aralan kasi kung hinde eh di super hell na talaga ng college skn since hinde ko na nga gusto mag-aral. Pero kahit masaya ako sa pinag-aaralan ko, hinde pa rin ako masaya mag-aral. Ayoko talaga mag-aral. Ilang beses ko na eto na-mention at imemention ko ulit: right after ng debut ni Dei nung 2nd yr college kami narealize ko na naman kung gaano ko ka-gusto huminto sa pag-aaral. That time gusto ko kasi tumugtog na lang ever, or kung anuman basta ganun. Pero bata pa rin ako nun diba and it's not like sinasabi ko talaga out loud, maliban na lang sa ilang friends ko na sinasabihan ko talaga na ayoko na, ang naaalala ko lang nakukwento ko kay Sarah Toledo madalas yung tungkol dun eh.

Then eto na, natutunugan ko na ang pag-alis ko. Actually super delayed na nga, dahil dapat bago pa lang ako mag-college ay naayos na eto at nakaalis na ako, pero since apparently ayaw ko daw dati ay hinde ko inayos yung mga kailangang ayusin like passport at kung ano pa man. So sige lang, nag-college na nga ako. At syempre na-delay na naman nang na-delay kasi hinde ako makakuha ng passport dahil andaming extra requirements pag under 18. So sabi ko pag na lang 18 na ako since malapit na yun that time. So nung nag-18 ako kumuha na ako ng passport and inayos na ang mga bagay-bagay. First sem ng third year ko nung malaman ko na sure na sure na sure na talaga. Ako naman si go lang, kasi nga ganun lang kadali para sa 'kin tumigil sa pag-aaral dahil parang antagal ko na siyang tinitiis lang.

Pero gayunpaman, bata pa rin ako hanggang ngayon (well that is, ayon sa mga tao sa paligid), so hinde pa rin ako makapag-decide kung ano na nga ang future ko. Sabi ko hinde importante na may degree ka, at hanggang ngayon yun pa rin ang paniniwala ko, pero para sa ibang tao hinde. Naiisip ko rin naman yun na balang araw magsisisi ako na wala ako mahanap na trabahong maganda dahil wala naman akong natapos. Pero sa palagay ko kahit magtagal pa eh pwede pa rin ako bumalik sa pag-aaral. Syempre hinde naman ako super sure at hinde rin siguro ako tama pero yun pa rin ang tingin ko. Na kahit ilang years pa, kung gusto ko talaga makatapos, magagawa ko. Pero sa ngayon, as in yung sitwasyon ko ngayon at yung mga opportunities na maaaring mag-open sa akin ngayon, hinde siguradong andiyan sila forever.

So actually ang desisyon ko naman talaga ata ay yung Option 2, kaya lang minsan pag tinotopak ako napupunta sa Option 1. Seryoso, may Multiple Personality Disorder na ata ako, actually ang alam ko may nagsabi na rin sa 'kin niyan dati eh. Oh well tama nga ata siya.

Hinde ko naman ayaw ang Anthro eh, kaso lang wala kasi akong ibang gusto. Ang problema pa ay iba naman ang anthro na tinuturo sa amin at ang anthro sa ibang bansa, lalo pa kung sa pinag-aaralan ko na super patriotic diba. At walang masama dun. Ang ibig ko lang sbhn ay wala akong future sa Anthro sa ibang bansa since iba nga yung mga focus nila and tiyak na kakailanganin ko pa ng higher degree para magtrabaho sa field na yun. Eh ang akin nga, kung hinde naman ako magtatrabaho dun sa industry na pinag-aralan ko eh bakit ko pa tatapusin lalo pa kung ayoko na nga mag-aral...

Ang saklap pa kasi hinde nga ako nakasabay sa field school ng batch ko, ang saklap saklap lang talaga. Ang galing galing ko tumiming, so kaya nga mas lalong parang nakakatamad na ituloy... :o

Haaay oh well pero sa ngayon wala pa rin talagang concrete plans. Bahala na lang muna talaga. Sana na lang hinde ako magka-swine flu. At syempre kayo rin mag-ingat.


No comments:

Post a Comment