First post! So syempre kailangan may tugtog. Grabe ten years ko atang inasikaso eto para lang ma-figure out kung paano ilagay yung tugtog. gusto ko kasi yung player na for one song lang tapos yung ako ang mag-uupload so maarte talaga ako. Hanggang sa medyo sumuko na ako at nagtiyaga na lang sa per post maglalagay. Pero pag na-figure out ko talaga yung pwede ilagay sa sidebar ay dun na lang para magtagal naman yung tugtog. Ang balak ko kasi, like sa facebook ko, every week magpapalit ng song. Eh kung per post lang kasi medyo makakalimutan na yun diba.
At dahil first post nga eto ay syempre espesyal ang awitin. Kung kaibigan kita alam na alam mong yan ang favorite song ko. Kahit nga ata hinde ko kaibigan alam yun, kasi super ikinakalat ko talaga na fave song ko yun, ewan ko, wala lang naman, epal lang. Anyway, hinde ko rin ata alam kung bakit patay na patay ako sa kantang yan, lalo yung video. pero basta, ganun eh. Ang storya actually nito talaga kaya sakto rin sa first post ay yung pangalan ng site ko. ay ung url pala. or pangalan ko nga pala. shelly beloved. She will be loved. Oh basta dun nanggaling yun, may sense diba?! Shet ang gulo ko,haha oh well yun ang point ng blog na eto, so at least nafufulfill niya ang duty niya.
Dahil gaya gaya talaga ako, yung concept na yan, na every week mag-uupload ng song, ay napulot ko kay William Becket. Kung kilala mo siya ay medyo gusto na kita kasi I guess kung hate or like or love mo man siya, meron pa rin tayong pinagkapareho kasi kilala mo siya. (labo...) Tapos gaya gaya nga ako diba, pero yun lang talaga ang medyo dahilan kaya ko gusto mag-blog, para sa kanta. Pero nga kasama na rin ang ka-active-an ng friend kong si C sa kanyang bonggang bonggang blog na Mga Takitaki ng Isang Paslit atsyempre kunwari na rin pinilit niya ako, which is medyo totoo naman kaya... =P
Oh well, tingin ko ang haba na nito dahil napapagod na ata ako, so eto na ang pagtatapos ng unang post na ito.
2:15 AM na nga pala sa kung nasaan ako, grabe no. Super nag-ten years talaga ako sa pag setup nito, grabe lang. Oh well dahil lang talaga sa tugtog kaya nagtagal, parang ewan lang. Ang OC. Speaking of OC, kakagaling ko lang ng OC. =) pero next time na ang chikang yun.
...grabe so ngayon 2:55 na, hinde pa rin ako nag-succeed sa music player kasi hinde siya na-embed. so ginaya ko na lang muna yung kay C. Haaay naku dapat ma-figure out ko yung gusto ko mangyari. Gusto ko kasi talaga yung ako ang mag-uupload eh, kasi wala lang. basta lang maarte talaga ako.
Grabe lang, antok na ko. anung petsa na.
Monday, April 06, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment