}

Friday, June 12, 2009

The tide that left and never came back


Just got back from the beach. I love the beach. So far, dalawang beach pa lang ang napupuntahan ko dito, yung sa Long Beach and dito sa San Diego. Super pangarap ko talaga na someday magkaroon ng bahay na hinde lang may ocean view pero talagang ilang lakad lang nasa dagat ka na, and pwedeng pwede na lumusong sa tubig. As in sariling bahay. As in yung akin lang. Ako lang nakatira dun sa bahay na yun. Siguro kung mayaman talaga ako nun kaya ko na rin mag-hire ng maid so baka yun pala ang kasama sa bahay.

Bukod dun sa beach house na pangarap ko,...

Naalala ko lang, ang gusto kong bahay parang yung beach house nila Nathan sa One Tree Hill, malaki, tapos nasa shore talaga ata yun. Meron pang parang bridge.

So bukod pa nga sa beach house, gusto ko rin ng loft sa city. Pero actually baka nga okay na rin yung beach house talaga. kasi kung mayaman naman ako, naturally may car na rin ako at supposedly marunong na ako mag-drive by that time. Kaya kung may work man ako sa city, or basta lang kung gusto ko sa siyudad, pwede nang mag-travel na lang ako. Or pwede na rin naman siguro na mag-work sa downtown area, kasi halimbawa yung sa Long Beach bandang downtown yung dagat, so malapit lang rin naman.

Basta, the point is, gusto ko ng bahay sa dagat. Bahay ko. Na puro glass panel. Siguro.

4 comments:

  1. parang lake house... pero in your case sa dagat... hahaha... diba puro glass panes ung bahay dun? hahaha...

    ReplyDelete
  2. ayun nga! The Lake House! Gusto ko yung ganung bahay!

    ReplyDelete
  3. naalala ko ung glasshouse!na movie. and wow, angelina jolie inspired pic ba yan,.hahaha

    ReplyDelete
  4. haha bakit angelina?! true, kaso scary kasi yung The Glass House haha kaya ako isipin. =P

    ReplyDelete