}

Monday, June 15, 2009

Unopened letters to the world

Andami kong gusto gawin dati nung mas bata ako, gusto ko sumayaw, umarte, kumanta, tumugtog, maging cashier, etc. Basta, mga gawain na nakikiharap sa tao. Tapos parang dati ang friendly ko, samantalang ngayon ang suplada na. Hinde na ako people-person. Tapos parang nastastage fright na rin ako kapag magpeperform or something. Grabe lang.



Pero hanggang ngayon gusto ko pa rin talaga maging artist. Sa tingin ko kasi napaka-glamorous ng artists. Tapos parang napaka-free-ing. As in kahit anong klaseng artist sana eh, kaso hinde ako marunong mag-draw, at hinde rin naman ako nag-aact. So parang hanggang musika na lang talaga. Oh well hinde rin naman ako kumakanta, pero as in kahit nung super bata ako gusto ko na talaga kumanta. At mataba rin nga pala ako nung bata, maputi pa.

Oh well bilang takot nga ako, gusto ko na lang yung mga behind-the-scenes na trabaho, na kahit hinde performer, pero yung mga mag-aarrange na lang ng mga something. Gusto ko maging sound engineer, or roadie, or promoter. Basta yung crew sa mga artists ganun. Parang ang saya lang kasi.



Tapos gusto ko rin maging event coordinator, event planner ganun. Favorite ko weddings, parang ang saya i-plano. Tapos parang ang fulfilling after nung kasal, na kahit ang haggard na mag-plano eh nawawala na lang kapag masaksasihan mo na yung event.

Gusto ko rin nga pala maging photographer. Haaay basta marami talaga nga, yung mga tipong ganung trabaho. Yun ang mga gusto ko dati. Eh ngayon ang mga hinahanap ko na eh yung mga tipong nakatago lang sa office forever, dahil ayoko na nga ng mga nakikiharap sa tao.

Oh well basta, isa pa rin etong "gusto" post, pero at least mas malalim, hinde na ka-materialistic-an.

1 comment:

  1. well, why don't you try photography rin?di naman ibig sbhin ,kaylangan mo na agad ng DSLR, kht sa digi cam, dyan na nagccmula yan,...at, bkt di ka rin sumali sa choir dyan shem?in order to widen your circle of contact or acquaintances, edi slowly kung may event event ka, dme contacts! hahaha,

    paubbb

    ReplyDelete