}

Monday, June 15, 2009

Unopened letters to the world

Andami kong gusto gawin dati nung mas bata ako, gusto ko sumayaw, umarte, kumanta, tumugtog, maging cashier, etc. Basta, mga gawain na nakikiharap sa tao. Tapos parang dati ang friendly ko, samantalang ngayon ang suplada na. Hinde na ako people-person. Tapos parang nastastage fright na rin ako kapag magpeperform or something. Grabe lang.



Pero hanggang ngayon gusto ko pa rin talaga maging artist. Sa tingin ko kasi napaka-glamorous ng artists. Tapos parang napaka-free-ing. As in kahit anong klaseng artist sana eh, kaso hinde ako marunong mag-draw, at hinde rin naman ako nag-aact. So parang hanggang musika na lang talaga. Oh well hinde rin naman ako kumakanta, pero as in kahit nung super bata ako gusto ko na talaga kumanta. At mataba rin nga pala ako nung bata, maputi pa.

Oh well bilang takot nga ako, gusto ko na lang yung mga behind-the-scenes na trabaho, na kahit hinde performer, pero yung mga mag-aarrange na lang ng mga something. Gusto ko maging sound engineer, or roadie, or promoter. Basta yung crew sa mga artists ganun. Parang ang saya lang kasi.



Tapos gusto ko rin maging event coordinator, event planner ganun. Favorite ko weddings, parang ang saya i-plano. Tapos parang ang fulfilling after nung kasal, na kahit ang haggard na mag-plano eh nawawala na lang kapag masaksasihan mo na yung event.

Gusto ko rin nga pala maging photographer. Haaay basta marami talaga nga, yung mga tipong ganung trabaho. Yun ang mga gusto ko dati. Eh ngayon ang mga hinahanap ko na eh yung mga tipong nakatago lang sa office forever, dahil ayoko na nga ng mga nakikiharap sa tao.

Oh well basta, isa pa rin etong "gusto" post, pero at least mas malalim, hinde na ka-materialistic-an.

Sunday, June 14, 2009

I want something that I want

Gusto ko ng bagong laptop.

Gusto ko Mac.

As in kahit anong mac, kahit pro, air, macbook, or iBook pa. Basta mac.

Gusto ko talaga ng Mac.

ehem*birthday*ehem


Tapos gusto ko rin ng The Sims 3.

Nakakatuwa yung commercial, parang ang saya saya.


Gusto ko rin ng gitara.

Masaya ako sa keyboard ko, sobra! As in WOW! Pero gusto ko rin ng gitara...


Sabi ko pag nagkaroon ako ng pera, na sumusuweldo na ako, yun ang ilan sa mga una kong bibilhin. Well except ata yung laptop... umaasa pa akong may magbigay na lang, or kung ako man, matagal pa. Andami kong software pati na gustong bilhin: Adobe Audition, Photoshop na rin siguro tsaka Premiere, Microsoft Office...


haaay at syempre para makamit ko yung mga bagay na yun, iisa lamang ang kailangan:

PERA


...which I don't have.

...sa ngayon.


Oh well.

Trabaho. Gusto ko rin nga pala ng trabaho.

Friday, June 12, 2009

The tide that left and never came back


Just got back from the beach. I love the beach. So far, dalawang beach pa lang ang napupuntahan ko dito, yung sa Long Beach and dito sa San Diego. Super pangarap ko talaga na someday magkaroon ng bahay na hinde lang may ocean view pero talagang ilang lakad lang nasa dagat ka na, and pwedeng pwede na lumusong sa tubig. As in sariling bahay. As in yung akin lang. Ako lang nakatira dun sa bahay na yun. Siguro kung mayaman talaga ako nun kaya ko na rin mag-hire ng maid so baka yun pala ang kasama sa bahay.

Bukod dun sa beach house na pangarap ko,...

Naalala ko lang, ang gusto kong bahay parang yung beach house nila Nathan sa One Tree Hill, malaki, tapos nasa shore talaga ata yun. Meron pang parang bridge.

So bukod pa nga sa beach house, gusto ko rin ng loft sa city. Pero actually baka nga okay na rin yung beach house talaga. kasi kung mayaman naman ako, naturally may car na rin ako at supposedly marunong na ako mag-drive by that time. Kaya kung may work man ako sa city, or basta lang kung gusto ko sa siyudad, pwede nang mag-travel na lang ako. Or pwede na rin naman siguro na mag-work sa downtown area, kasi halimbawa yung sa Long Beach bandang downtown yung dagat, so malapit lang rin naman.

Basta, the point is, gusto ko ng bahay sa dagat. Bahay ko. Na puro glass panel. Siguro.

Thursday, June 04, 2009

All of a sudden I miss everyone

There's a big difference between being someone's friend and someone being your friend. You don't always have to be both. It is ideal though. But people do not necessarily have to be mutual friends.

I first realized this in One Tree Hill. Brooke and Peyton were fighting, and Peyton mentioned that even though Brooke's not her friend anymore, she's (Peyton's) still hers.

And being the loading person that I am, it really took me a while to process all that. In a way that, even though I understood what she said, I thought about it for so looong. Cause I really didn't realize it before. That a person doesn't have to be your friend just because you're her friend. You could do things for her cause you're such a great friend and she could just completely ignore you. I was so simple-minded then that I didn't even think about it before. That people aren't just friends or enemies. I do know that not everything is binary. And I am such a firm believer of that - the world isn't just black and white.

That said, all of a sudden I miss my friends; not just those who I'm a friend of, but those who were always there for me, even when I wasn't, or am not. I'm really bad at keeping in touch. I don't usually talk with the people I know, even if they're close friends whom I've known for several years. I'm really bad at conversations, cause I don't really speak much, but I listen. And so I miss every single one of those who is still a friend to me even if I've been a bad friend. I miss those who I know miss me too.

I'll try to mention all their names but I really might forget someone. Though if the person really is my friend then I doubt I'll forget to mention the name.

Si Bea na almost lagi, kung hinde man talaga lagi, kong tinetext or kung anumang paraan para lang makausap, kung meron akong topak, or na-discover, or bagong gusto, or ayaw, or whatever. We're so different in a lot of ways, as in a lot. Pero oh well marami naman sa list na eto ang super iba sa 'kin and yet we click. Anyway, kahit na ilang beses ko ata siya na-disappoint, or talagang naging bad friend ako, forever siyang andiyan.

Si Paul Martin na una ko atang close friend sa college - kasabay pag-uwi, kung kumain, pagpunta sa klase, pati nga sa CR eh, pero magkaiba syempre, at hanggang labas lang. Siya ang talagang super saya kasama, kung wala kaming topak pareho. Pero naisip ko talaga na kung hinde kami magka-batch sa course ay tiyak hinde ko siya magiging ganun kalapit na friend kahit pa nakilala ko siya.

Si Sarah Tol na isa sa dalawang una kong nakilala sa college. Tahimik pa siya nung una, hinde pa halatang mataray at maldita. Masipag din siya mag-text, kasi tandang-tanda ko magkaiba pa ang cell network namin noon pero nagkakatext pa rin kami since pareho kaming bago.

Si Mimi na kumpara sa mga nauna kong i-mention ay mas katulad ko. Pareho kaming tahimik lang, passive, mahiyain minsan at mga labas sa gulo. Parang andaming bagay na gusto ko or alam ko na siya lang talaga yung nakaka-gets, tulad ng mga lumang palabas, or movie or basta something na kami lang nagkakaintindihan.

(dahil medyo kailangan ko na matulog ay isho-shortcut ko na lang siguro ang mga iba)

Si Janelle at Victoria na kahit kailan ko na lang talaga nakasama at naging ka-close ay feeling ko pa rin super friends ko sila. Kasi nga kahit feeling ko ang sama sama kong friend dahil parang alam ko sa sarili ko na hinde nila ako laging maaasahan, sila parang andiyan lang lagi.

Si Erol na kahit inaaway ako forever, ay medyo may mga nahihita pa rin naman ata ako sa kanya. At halerrr flaterring na rin no dahil tuwang tuwa siya masyado sa 'kin, ang lungkot siguro ng buhay niya kung wala ako. Haha, yes I'm flattering myself.

Waaaw humahaba ang list, so pwede bang yung iba wala na lang explanation, pero hinde ibigsabihin nun na they're less important, sadyang kailangan lang matulog.

Dahil baka hinde ko masabi lahat ng pangalan, at malamang nga hinde, ang buong AnthroSoc, na major ko nung 3rd year, second sem. Haha, BA Org ako that time eh. Pati na rin yung batchmates ko na supposedly kasama ko nung field, or rather ako yung dapat pala kasama. But oh well.

Pati na rin pala sina Arianne, Princess, Judy, Kat at AM.

Si Iyin, na kaka-text lang para sabihing nauna ako maging registered voter. Oo kaya, bago ako umalis nilakad ko talaga yun haha. Super takbuhan ko rin siya kapag may topak ako. Sina Paula, Dei at Pauline, na nagbabalak din mag-flood ng inbox ng cell ko, na kahit hinde ko masyado nakakausap or nakukuwentuhan, ay nagkukuwento pa rin sa 'kin. At tandang-tanda ko pa yung sinabi ko nung debut ni Paula, na kahit ang dalas namin hinde magkaintindihan sa mga mababaw na bagay, kapag iba na ang usapan, we get each other. At espesyal mensyon talaga eto, namiss kita Paula, seryoso.

Sina A, A, A, B, C, D, J, na kasama ko nung Valentine's. Salamat pa rin para dun. Tsaka tulad nga ng sabi ko about sa iba, kahit hinde ako nagpaparamdam, andiyan pa rin sila, lalo pa't andami ko atang atraso sa kanila. Sila na siguro ang mga pinakamatagal kong nakasama.

Si Regine at Pud na hindeng hinde ko malilimutan, at ang mga una kong itetext pag may galaan.

A friendship isn't simple, but it's also not so complex that it necessarily takes time. A person you've just met for a few hours can be your best friend in a day or a week; Consequently, a person you've known since childhood could be just an acquaintance for you even after all those years. Friendship is just is.




...S

Wednesday, June 03, 2009

We change, we wait

sooo... May 30th, 2009 marked my 100th day here.

...And yes I'm stil here. Alive. And breathing

...and happy.

I guess.


Hmm so let's see kung ano ba ang mga nalaman ko sa isang daang araw na tinagal ko dito.

Una, you can't teach an old dog new tricks. True, lumang kasabihan na siya diba. At grabe sobrang nag-aapply siya sa 'kin. Minsan nga lang nakakalimutan ko na.

Pangalawa, friendly lang talaga ang mga tao, wag maging feelingera. Kapag sinabihan ka ng "How you doin?" or "How are you" or kahit simpleng "Hi!" or ngiti lang, wag kang OA. Normal lang yun, mahilig sa small talk ang people so hinde ibigsabihin na porke kinausap ka ay kikidnapin ka na or gusto ka.

Pangatlo, a car is not a luxury, it's a necessity. Hinde tulad sa Pilipinas na kung may isang kotse ka man lang ay medyo may kaya ka na, dito kapag dalawa or tatlo pa ang kotse mo ay normal pa rin yun. Mahalaga talaga siya. Kaya totoo yung sa tv and movies diba na kahit bata pa lang parang binibigyan na talaga ng kotse at tinuturuan talaga mag-drive sa mga school. Kasi nga kailangan talaga siya. Although may bus, medyo inconvenient din kasi hinde siya tulad ng jeep na forever meron. Tapos maghihintay ka talaga. Okay kasi may schedule, pero kapag naiwan ka or naunahan mo, malas mo.

Pang-apat, clean after yourself. Sa mga fastfood or food court, ikaw ang nagliligpit ng mga napagkainan mo. Hinde porke may crew ay sila ang magtatapon ng mga nakainan mo. So bago ka umalis ililigpit mo talaga yun.

Pang-lima, grabe kaya siguro anlalaki ng mga tao dito ay sedentary kasi masyado mga lifestyle nila. Puro siguro sila TV. kasi paano ba naman andameeeng channels!!! Basta grabe lang talaga.


Hmm so may bagong song sa featured. Finally! Kasi isa si Citizen Cope sa mga bago kong fave artists. Along with Kate Voegele, Lenka, Blue Judy and kung sino pa man. At tuwang tuwa ako nung nakita ko yung song, kasi parang alam mo yung mga moment na may makikita or maririnig ka na kanta, tapos masasabi mo na lang na parang super song mo yun!? Kahit hinde song ng buhay mo. Pero pwedeng song lang ng araw mo. Yun yung kantang iyon para sa 'kin. So pakinggan mo ah! Pero favorite ko pa rin yung Son's Gonna Rise by the same artist kaya hanapin mo rin yun at pakinggan! =)

Oh well yun na muna. Pag sinipag ulit ako, maybe i'll share my job hunting stories...