}

Tuesday, May 12, 2009

Might have been

Hmm ang sabi ko dati sa next blog ko ikukuwento ko ata ang storya ng pagpili ko sa kanta ni Miley Cyrus na fineature ko. Pero tinatamad na ako eh, so oh well. At blog ko eto so halerrr.

Grabe yung monster sa tiyan ko ngumangawa na. As in seriously, ang ingay niya talaga. Ingay na gutom ah, hinde yung ibang ingay haha.

Pumunta kaming San Diego nung weekend, nag-bus lang, at ako naman si walang social life, natuwa sa katabi kong guy. porenger teh! Haha caucasian. Friendly kasi. Bilang siya yung nasa window seat tinanong pa niya ko kung okay lang naka-open yung curtain, tapos nag-offer pa siya ng gum. Nangchika pa siya ng something tungkol sa RedBull blah blah, na later on nalaman ko may parang plane show something, nakalimutan ko yung tawag, basta sa mga airplane. Haha feeling ko pa para akong tuod nung una, inisip ko tuloy iniisip niya hinde ako nakakaintindi ng english haha, oh well. Mahiyain kasi kaya ako. Well buti hinde ako topak moment nun kaya nice naman ako. Nag-bye pa nga ako eh, tapos pareho lang pala kami ng stop. Haha nakakatawa kasi naka-iPod din siya, pinipilit ko pa marinig yung tugtog na pinapakinggan niya, hinde ko ma-figure out. Pero basta parang dance-y yung music niya. Nung una pa pala tulog lang kasi siya, pero parang nasusulyapan ko may itsura, and true enough, meron naman nga. =P haha at medyo winiwish ko pa na sana makasabay din namin pauwi. =P

Anyway, next week babalik ulit kami San Diego, mga less than a week kami magsstay dun, para igala ng pinsan. Iniisip ko na talaga mas gusto ko mag-stay dun, kasi parang mas city-ish. Tuwang tuwa pa ako nung nakakita ako ng Hard Rock Cafe at House of Blues. Sabi ko kasi talaga before ako pumunta dito na parang perk ng pag-stay ko dito ay yung makanuod ng bands. Well sa ngayon hinde ko pa nafufulfill yun, so sana lang kung dun man ako mgstay eh matupad na.

Monday, May 04, 2009

Writer's Block: You don't know me

From Livejournal

Our friends don't always know us as well as they think, particularly when it comes to likes and dislikes. Which popular book, movie, band, food, TV show, etc. would your friends be surprised to hear that you don't like?


Hmm wala pa ako maisip na magugulat sila na ayoko, pero ang naiisip ko ay yung baka magulat sila na gusto ko.

Haha hinde ko ayaw si Miley Cyrus. Pero for the sake na may maisagot dito, sige gusto ko na rin siya ngayon.

Naalala ko nung one time na nag-videoke kami kina Clarisse. At oo nga pala siya ayaw niya kay Miler Cyrus, kasi nakita ko sa Facebook niya kasama yun sa gusto niyang suntukin eh. Anyway, haha ayun nga kumanta kami ni Angelique ng 7 Things. That time kasi yung kantang yun lang ang gusto ko, siya hinde naman. Mas gusto ko pa nun si Demi Lovato tsaka si Selena Gomez kung Disney stars lang rin ang usapan. Pero ngayon gusto ko na si Miley Cyrus. AT seryoso nanunuod kaya ako ng Hannah Montana, kahit dati pa naman. Haha basta hinde ko siya ayaw eh.

Tapos pa eh diba may movie yung Hannah Montana, one time manunuod kami ng sine tapos iniisip kung aling movie. Ang mga palabas nung time na yun ay Fast and Furious, Monsters VS. Aliens, Dragonball: Evolution, at ten-tenenen-tenen! Hannah Montana.

Sabi nung pinsan ko na manlilibre sa amin ng sine nung tinanong ko kung anung gusto niyang panoorin,
"Kayo na bahala, kung gusto niyo pa Hannah Montana eh!"


At ang ate ko naman bilang alam na gusto ko si Hannah Montana at nang-aasar eh sinabi nga sa pinsan ko na okay lang sa 'kin yun. Haha at syempre tawa naman si pinsan at hinde makapaniwalang gusto ko si Hannah Montana. Pero seryoso, kung ako lang talaga gusto ko kaya panoorin yun. Andun pa si Taylor Swift. Tsaka gusto ko rin si Emily Osment eh.

Tapos pa nung pumunta kami ulit ng Hollywood, meron dun malaking billboard si Hannah Montana dahil nga dun sa movie. Eh bilang wala kami magawa eh pinicture-an ako ng ate ko na background yun.

At sa ngayon wala pa rin akong naiisip na ikagugulat ng friends ko na something popular na hinde ko gusto...

At speaking of Miley Cyrus na rin, time na siguro para palitan ang featured music. So something from her naman... =) Next post siguro sasabihin ko kung bakit yung song na yun...


Sunday, May 03, 2009

I forgot to remember to forget

So bilang weekend ngayon, puno na naman ng movies ang telebisyon. Nakakainis din minsan dahil sabay sabay yung mga pelikulang magaganda and lahat sila gusto kong panoorin. Pero syempre hinde pwede kaya kailangan pumili.

Anyway, nabasa ko kasi na sinabi ko pala na maglalaman din eto ng tungkol sa mga movies. So eto ata ang first blog ko na yun ang ikukuwento ko.

Sabado ngayon at tulad ng sabi ko, maraming movies. Kaninang umaga paggising ko binuksan ko agad ang TV. Sumalubong sa 'kin ang The Lake House. Hinde ko siya pinanuod nang buo, kasi may iba pa akong pinapanuod nun pero hinde ko na maalala. Pero gusto ko talaga yung pelikulang yun. Tandang-tanda ko pa na pinanuod ko yun sa sine kasama ang ate at ina ko. Madrama siya. At define love story. Oo na, kahit minsan hinde ako aminado mahilig nga ako sa romantic movies. Gusto ko nga rin ang The Notebook eh, at favorite ko ang Pride and Prejudice.

Balik sa The Lake House. Tandang-tanda ko rin na 2006 siya ipinalabas. First year college na ako nun, first semester pa lang ata kung hinde ako nagkakamali, pero pwede ring second sem na pala. Pero basta natatandaan kong first year yun, kasi nung panahong napanuod ko yun, ay panahon nung almost lover na kinuwento ko dun sa nakaraang blog ko (Choosing my own way of life). Oo na, siya na naman. Pero ngayon wala na kaming komunikasyon. Kasi parang nag-rest ako for a while sa world wide web. Matagal-tagal rin akong hinde tumatambay, na tipong kahit wala naman ako ginagawa, gusto ko lang naka-online, may hinihintay minsan. Pero nitong mga nakaraang linggo hinde na talaga kasi nakakatamaran ko na. Napapagod na akong magpaka-bum.

Hinde ko na maalala kung paano na-bring up yung topic na yun less than 3 years ago. Basta magkausap kami sa telepono at napunta kami sa The Lake House. Sabi niya napanuod na rin niya, tapos maganda nga raw. Pero mas maganda raw yung pinag-base-han nun, which is ung Il Mare Haaay naku at hinde ko rin malilimutan na sinabi niya nun na bibigyan niya ako ng copy nun para mapanuod ko. Ibibigay raw niya pag nagkita kami. Na hinde na nangyari ever.

Sabi ni Kate sa The Lake House favorite niya yung book na Persuasion ni Jane Austen. Gustung-gusto ko rin yung libro na yun. Sabi niya tungkol raw yun sa paghihintay. Oo nga naman siguro. Kaya happy ending yung novel kasi yung lovers naghintay sa isa't isa. Parang yung sa The Lake House.

Pero paano mo naman malalaman kung hanggang kailan ka maghihintay? Hanggang saan yung dapat mong abutan para masabi mo na tama na, susuko ka na, or kung hinde man, ay kung itutuloy pa?

So siguro na lang hinde mo malalaman. Kahit pa sinabi mo sa sarili mo na "tama na", maaaring pwede pa palang naghintay ka at magbunga na yung paghihintay mo. Pero hinde mo nga malalaman diba kasi sumuko ka na. At kung tinuloy mo man, maaaring mabulok ka na kahihintay lamang sa wala.

Kaya ngayon, sa tuwing mapapanuod ko ang The Lake House, pati na rin ang The Notebook, pero saka na ang kuwentong yun, maaalala ko siya. Siguro nga naghihintay pa rin ako hanggang ngayonn even after all these years. Pero oh well, ganun naman talaga minsan diba. Gumagawa ka ng mga bagay na hinde mo alam kung anung kadahilanan. Minsan talaga, basta lang.