Wednesday, April 29, 2009
Somewhere a clock is ticking
Grabe lang, super bilis ng araw. Lalo na wala naman ako ginagawa so medyo dapat ata mabagal ang oras diba!? oh well. So isang araw na lang at May na, at isang buwan na lang ay June na. At sa ngayon wala pa rin akong direksyon.
Option 1: Babalik ako for first sem, or kung second sem man, tapos tatapusin ko course ko at magtatrabaho. Hinde na ako aalis ever.
Option 2: Magsstay ako at magtatrabaho, magpapayaman since yun na lang ata ang mahalaga sa mundo, tapos mag-aaral para may matapos.
Hinde talaga ako mabuting estudyante. Hinde ko gusto ang pag-aaral. Mula pa nung 3rd year high school ako gustung-gusto ko na mag-stop. Para kasi sa 'kin hinde talaga yun lang ang magbibigay sa'yo ng maganda future. Oo, agree naman ako na makakatulong yun at mas malaki ang chance for a brighter future pero para nga sa 'kin hinde siya ganun kahalaga. Pero since bata pa ako wala naman ako laban diba kahit ayaw ko, so grumaduate ako ng high school. Then college na, buti na lang talaga nakapasok ako sa gusto kong pag-aralan kasi kung hinde eh di super hell na talaga ng college skn since hinde ko na nga gusto mag-aral. Pero kahit masaya ako sa pinag-aaralan ko, hinde pa rin ako masaya mag-aral. Ayoko talaga mag-aral. Ilang beses ko na eto na-mention at imemention ko ulit: right after ng debut ni Dei nung 2nd yr college kami narealize ko na naman kung gaano ko ka-gusto huminto sa pag-aaral. That time gusto ko kasi tumugtog na lang ever, or kung anuman basta ganun. Pero bata pa rin ako nun diba and it's not like sinasabi ko talaga out loud, maliban na lang sa ilang friends ko na sinasabihan ko talaga na ayoko na, ang naaalala ko lang nakukwento ko kay Sarah Toledo madalas yung tungkol dun eh.
Then eto na, natutunugan ko na ang pag-alis ko. Actually super delayed na nga, dahil dapat bago pa lang ako mag-college ay naayos na eto at nakaalis na ako, pero since apparently ayaw ko daw dati ay hinde ko inayos yung mga kailangang ayusin like passport at kung ano pa man. So sige lang, nag-college na nga ako. At syempre na-delay na naman nang na-delay kasi hinde ako makakuha ng passport dahil andaming extra requirements pag under 18. So sabi ko pag na lang 18 na ako since malapit na yun that time. So nung nag-18 ako kumuha na ako ng passport and inayos na ang mga bagay-bagay. First sem ng third year ko nung malaman ko na sure na sure na sure na talaga. Ako naman si go lang, kasi nga ganun lang kadali para sa 'kin tumigil sa pag-aaral dahil parang antagal ko na siyang tinitiis lang.
Pero gayunpaman, bata pa rin ako hanggang ngayon (well that is, ayon sa mga tao sa paligid), so hinde pa rin ako makapag-decide kung ano na nga ang future ko. Sabi ko hinde importante na may degree ka, at hanggang ngayon yun pa rin ang paniniwala ko, pero para sa ibang tao hinde. Naiisip ko rin naman yun na balang araw magsisisi ako na wala ako mahanap na trabahong maganda dahil wala naman akong natapos. Pero sa palagay ko kahit magtagal pa eh pwede pa rin ako bumalik sa pag-aaral. Syempre hinde naman ako super sure at hinde rin siguro ako tama pero yun pa rin ang tingin ko. Na kahit ilang years pa, kung gusto ko talaga makatapos, magagawa ko. Pero sa ngayon, as in yung sitwasyon ko ngayon at yung mga opportunities na maaaring mag-open sa akin ngayon, hinde siguradong andiyan sila forever.
So actually ang desisyon ko naman talaga ata ay yung Option 2, kaya lang minsan pag tinotopak ako napupunta sa Option 1. Seryoso, may Multiple Personality Disorder na ata ako, actually ang alam ko may nagsabi na rin sa 'kin niyan dati eh. Oh well tama nga ata siya.
Hinde ko naman ayaw ang Anthro eh, kaso lang wala kasi akong ibang gusto. Ang problema pa ay iba naman ang anthro na tinuturo sa amin at ang anthro sa ibang bansa, lalo pa kung sa pinag-aaralan ko na super patriotic diba. At walang masama dun. Ang ibig ko lang sbhn ay wala akong future sa Anthro sa ibang bansa since iba nga yung mga focus nila and tiyak na kakailanganin ko pa ng higher degree para magtrabaho sa field na yun. Eh ang akin nga, kung hinde naman ako magtatrabaho dun sa industry na pinag-aralan ko eh bakit ko pa tatapusin lalo pa kung ayoko na nga mag-aral...
Ang saklap pa kasi hinde nga ako nakasabay sa field school ng batch ko, ang saklap saklap lang talaga. Ang galing galing ko tumiming, so kaya nga mas lalong parang nakakatamad na ituloy... :o
Haaay oh well pero sa ngayon wala pa rin talagang concrete plans. Bahala na lang muna talaga. Sana na lang hinde ako magka-swine flu. At syempre kayo rin mag-ingat.
Sunday, April 26, 2009
Oversensitive
Haaay naku, long time no post. Sabi ko pa naman dito ako ever magrarant para hinde ako naststress at bigla na lang sasabog minsan.Eh kaso tinatamad naman ako minsan, or kapag gusto ko na medyo hinde pwede. Oh well. Since ngayon ay ginagawa ko na rin lang eto at medyo wala pa rin ako maisip or magustuhang sabihin ay tungkol na lang sa bagong featured song.
Dangerous and Sweet. Song ni Lenka. Tandang tanda ko pa na si Clarisse yung nagpakilala sa 'kin kay Lenka. Gustung-gusto niya yung Don't Let Me Fall tsaka Knock Knock. So syempre ako naman si download ng songs niya. Well tapos bigla ko na lang narealize na na-meet ko na pala si Lenka. Thru Blue Judy. Kasi featured siya dun sa All The Things You Know na super favorite ko. Narinig ko yung kanta sa isang episode ng One Tree Hill so dinownload ko, tapos nalaro ko rin siya sa JamLegend. Haha katuwa nga eh. Anyway, so yun ang history ng pagkakakilala ko kay Lenka.
So balik naman sa kanta, nung pinapakinggan ko yung mga songs niya after ko madownload ang parang tumatak talaga sa 'kin ay etong kantang eto. Yung Dangerous and Sweet nga. Kasi ewan ko, basta natuwa ako. Sa tunog tsaka yung boses niya. Ako kasi mas naririnig ko talaga yung music kaysa yung lyrics. Super hinde ngpoprocess sa 'kin yung lyrics, parang hinde ko naririnig. Unless na lang super pinaulit-ulit ko na yung kanta at halos mamemorize ko na. Pero yung parang nagmamake ng good first impression talaga or something sa 'kin ay yung music. so parang kahit bano yung lyrics at nonsense pero maganda yung tunog baka magustuhan ko na rin.
So ayun nga natuwa talaga ako dun sa kanta. Eh feeling ko pa applicable siya sa 'kin ngayon. Kasi oversensitive ako ngayon. in a bad way. Hinde yung oversensitive na tinuturo dati sa Christian Living. so panget diba. Haaay naku parang lahat na lang tuloy ng tao inaaway ko. Weel actually hinde ata parang, totoo nga siguro. Ayoko kasi talaga na pinapakialaman ako. Tapos ang trato pa ay parang 10 years old lang ako. Halerrr maliit lang ako ang payat and fine isip bata pero ilang taon na ako. At tsaka kung bata man ako umarte ay dahil yun sa pagtrato sa 'kin na parang bata. Oo sinisisi ko talaga yung tao sa paligid, syempre para skn hinde ako ang may kasalanan.
Oh well so ganyan ako ngayon, galit sa mundo.

Well it's dangerous and sweet
Cut us and we bleed
Friday, April 10, 2009
Story in a Dream
Yung title ay isang song ng Steel Train. Nakikinig kasi ako at nagsasagot ng quiz. Tapos akala ko si Ewan McGregor yung kumakanta kasi ang last song na nakita ko ay yung sa Moulin Rouge, eh tapos narealize ko parang iba so tiningnan ko. Tapos yun na nga, grabe lang natuwa ako masyado nung narinig ko haha basta kakaiba lang. So ngayon puro Steel Train na muna ang tugtog para marinig ko pa yung ibang songs. Paano ba naman sa dami ng music sa laptop ko siguro kalahati mga once ko pa lang napakinggan.
Friday na naman, grabe ang bilis ng araw, super lang. Nagluto kami ng pasta today. Para naman sana hinde na mangungulit na magluto kami. Eh hinde naman talaga ako mahilig magluto. Siguro kaya ko kung gugustuhin ko kaya lang ayaw ko talaga. For that hinde talaga ako pwede mag-asawa no, duh.

Wednesday, April 08, 2009
Choosing my own way of life
Wooow sumesecond post. Super akala ko hinde ko na eto ma-uupdate kasi medyo tinatamad ako and hinde ako makatiyempo sa paggawa ng blog. Oh well. Today's Wednesday. Wednesday is freedom day, kasi this day ang first day sa week na walang bantay. And walang bantay is happiness. Tsaka kapag gantong araw nakakagala. Although limited ang gala dahil hinde pa makapag-transpo, at least may gala pa rin.
Pero today is different, kasi baka dalhin kami sa mall later at turuan mag-bus so hinde kami lumabas this morning. And besides, late na rin bumangon dahil naaliw na sa paglalaro ng Guess the Sketch. Haha, at medyo binubuhay ko na ulit ang restaurant ko sa Restaurant City, at medyo na rin ang band ko sa Rock Legends.
Speaking of bands, grabe lang namimiss ko na ang pagtugtog. Dati nung sa bahay lang ako at hinde naglalalabas at nagpapakita sa mga tao namimiss ko magbanda at tumugtog sa kung saan saan kaya ginagawa ko nun tumutugtog lang alone. Super gusto ko talaga tumugtog, grabe lang. Hinding hinde ko talaga malilimutan yung debut ni Dei kasi nung tumugtog kami dun tuwang tuwa talaga ako, tapos the next day parang naisip ko talaga ayoko na mag-aral at pumasok kasi gusto ko na lang tumugtog ever. As in yun yung moment na pumasok sa utak ko yun, na gusto ko ng career sa music, na kahit hinde performer dahil gusto ko rin matutunan yung behind the scenes. Alam ko hinde ako super bihasa, ni hinde nga ako medyo bihasa, pero gusto ko talaga gumaling. Eh kaso ngayon wala akong instrumento so hanggang iTunes lang. Grabe lang, andami kong dinodowload.
At speaking of downloads, naisip ko ulit magdownload ng songs ni A Fine Frenzy (Alison Sudol) so hanap ako, and may nakita akong Almost Lover (Remix). Eh super gusto ko yun tapos ang cool naman kung may remix so dinownload ko, tapos pinakinggan ko. Ang cool lang talaga grabe, at syempre upload din sa Multiply site ko. At for that yun na rin ang bagong featured music dito. =)
So speaking of Almost Lover naman, yung almost lover ko buhay pa rin, parang tanga lang. As if naman kailangan at gusto kong malaman na masaya siya sa piling ng babae niya. Halerrr, grabe lang ah, parang ilang buwan or baka wala pa nakalipas na lungkut-lungkutan siya sa break-up nila ng some girl (na pramis kamukha ng sister ko), tapos ngayon may bagong girlaloo na siya, at highschool pa lang. Whatever. Hinde ako bitter, gago lang kasi talaga siya.
Grabe, super gusto ko na yung original version, pero nakakatuwa talaga eto, kasi mas matunog. Ganda talaga!

So you're gone and I'm haunted
And I bet you are just fine
Did I make it that
Easy to walk right in and out
Of my life?
Grabe, super gusto ko na yung original version, pero nakakatuwa talaga eto, kasi mas matunog. Ganda talaga!
Monday, April 06, 2009
It's not always rainbows and butterflies
First post! So syempre kailangan may tugtog. Grabe ten years ko atang inasikaso eto para lang ma-figure out kung paano ilagay yung tugtog. gusto ko kasi yung player na for one song lang tapos yung ako ang mag-uupload so maarte talaga ako. Hanggang sa medyo sumuko na ako at nagtiyaga na lang sa per post maglalagay. Pero pag na-figure out ko talaga yung pwede ilagay sa sidebar ay dun na lang para magtagal naman yung tugtog. Ang balak ko kasi, like sa facebook ko, every week magpapalit ng song. Eh kung per post lang kasi medyo makakalimutan na yun diba.
At dahil first post nga eto ay syempre espesyal ang awitin. Kung kaibigan kita alam na alam mong yan ang favorite song ko. Kahit nga ata hinde ko kaibigan alam yun, kasi super ikinakalat ko talaga na fave song ko yun, ewan ko, wala lang naman, epal lang. Anyway, hinde ko rin ata alam kung bakit patay na patay ako sa kantang yan, lalo yung video. pero basta, ganun eh. Ang storya actually nito talaga kaya sakto rin sa first post ay yung pangalan ng site ko. ay ung url pala. or pangalan ko nga pala. shelly beloved. She will be loved. Oh basta dun nanggaling yun, may sense diba?! Shet ang gulo ko,haha oh well yun ang point ng blog na eto, so at least nafufulfill niya ang duty niya.
Dahil gaya gaya talaga ako, yung concept na yan, na every week mag-uupload ng song, ay napulot ko kay William Becket. Kung kilala mo siya ay medyo gusto na kita kasi I guess kung hate or like or love mo man siya, meron pa rin tayong pinagkapareho kasi kilala mo siya. (labo...) Tapos gaya gaya nga ako diba, pero yun lang talaga ang medyo dahilan kaya ko gusto mag-blog, para sa kanta. Pero nga kasama na rin ang ka-active-an ng friend kong si C sa kanyang bonggang bonggang blog na Mga Takitaki ng Isang Paslit atsyempre kunwari na rin pinilit niya ako, which is medyo totoo naman kaya... =P
Oh well, tingin ko ang haba na nito dahil napapagod na ata ako, so eto na ang pagtatapos ng unang post na ito.
2:15 AM na nga pala sa kung nasaan ako, grabe no. Super nag-ten years talaga ako sa pag setup nito, grabe lang. Oh well dahil lang talaga sa tugtog kaya nagtagal, parang ewan lang. Ang OC. Speaking of OC, kakagaling ko lang ng OC. =) pero next time na ang chikang yun.
...grabe so ngayon 2:55 na, hinde pa rin ako nag-succeed sa music player kasi hinde siya na-embed. so ginaya ko na lang muna yung kay C. Haaay naku dapat ma-figure out ko yung gusto ko mangyari. Gusto ko kasi talaga yung ako ang mag-uupload eh, kasi wala lang. basta lang maarte talaga ako.
Grabe lang, antok na ko. anung petsa na.

Subscribe to:
Posts (Atom)